Anti-ENDO bill, handang baligtarin ng Senado

Handa ang Senado na baligtarin ang Labor contractualization o ENDO bill kung aaprubahan ng Malacañang.

Ang ENDO bill ay ivineto ni Pangulong Duterte noong 2019 kahit pa ito ay kasama sa mga priority ng administrasyon nang maupo ito sa pwesto.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, ipinasa nila ang panukala para bigyan ng security of tenure at protektahan ang mga mangagawa at matigil na ang labor only contracting.

Sinabi ni Sotto na mahaba ang naging debate ng Kongreso hinggil dito, bago ito inaprubahan at isinumite sa tanggapan ng Pangulo pero ivineto lamang ito.

Nakipag -ugnayan aniya sila sa Palasyo para malaman ang kinakailangang adjustment pero wala silang nakuhang sagot.

Handa naman aniya ang Senado na baligtarin ang veto ng Pangulo sa pagbabalik ng sesyon sa May 23 pero nakadepende ito sa Malacañang.

Nakasaad sa batas na maaring baligtarin ng Kongreso ang veto power ng Pangulo sa pamamagitan ng 2/3 votes ng lahat ng miyembro.

Pero paglilinaw ni Sotto kung may iba pang probisyon na nais ipasok ang Malacañang pabor sa mga negosyante hindi na ito maihahabol pa ngayong 18th Congress.

Sa pagbabalik kasi ng sesyon sa May 23, ang mga Senador at Kongresista ay magsisilbing National board of canvassers para bilangin ang resulta ng May 2022 elections.

Si Senador Christopher Bong Go, naiintindihan niya raw bakit nagdesisyon ang Pangulo na i veto ang inaprubahang panukala dahil sa maaring maging epekto sa mga negosyo.

Pero desidido siyang isulong ang pagsasabatas ng ENDO bill sa susunod na Kongreso.

Meanne Corvera

Please follow and like us: