Apat katao, arestado sa buy-bust operation ng PDEA sa magkahiwalay na lugar sa Metro Manila

Apat na katao ang nahulihan ng shabu sa Quezon City at Parañaque City kagabi.

Kinilala ang mga suspect na sina Alvin Escobar, 47 anyos, Rosita Omandac-47 anyos, Adora Amores-45 anyos at Juliet Casiano-48 anyos.

Nadakip ang mga suspect sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Quezon City habang ang isa naman ay  nadakip sa Parañaque city matapos maaktuhang nagbebenta ang mga ito ng shabu.

Ayonkay Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-NCR Director Ismael Fajardo, matagal na umano nilang minamanmanan ang apat na katao kabilang na ang isa na dati nang nakulong at nakalaya ngunit nagbalik ulit sa dating iligal na gawain.

Nakuha sa apat ang 15 gramo ng shabu na aabot sa 77,000 piso at 60,000 pisong marked money.

Karamihan sa area of operation ng mga drug suspects ay sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at maging sa ilang mga lalawigan.

Ang mga nadakip ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous drugs act.

 

Ulat ni Earlo Bringas

 

===   end   ===

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *