Apat katao patay, tatlo sugatan sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Basilan

Apat katao ang patay habang tatlo naman ang nasugatan sa magkahiwalay na pamamaril sa Basilan.

Batay sa report, alas dos ng madaling araw kanina nang paulanan ng bala ang Pamilya Taalil gamit ang assault rifle mula sa mga armadong lalaki sa barangay Guiong, bayan ng Sumisip, Basilan.

Tatlo ang kinumpirma ng PNP na namatay at tatlo din ang nasugatan.

Samantala, makalipas ang siyam na oras, binaril naman hanggang sa mamatay si dating Lumuton Barangay Kagawad Haji Jemmy Talamon y Tubboh habang binabaybay nito ang Gubawan bridge, barangay Sengal, Lamitan city, Basilan, sakay ng kaniyang motorsiklo.

Sa report, Kagagaling lamang sa isang settlement activity sa Basilan ang 59-anyos na dating barangay kagawad para ayusin ang problema ng kaniyang pamangkin nang mangyari ang pagpatay sa kaniya.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PNP Basilan kung ano ang motibo sa pagpaslang sa dating barangay kagawad at maging ang pamamaril sa Pamilya Taalil sa Sumisip Basilan.

Ely Dumaboc

Please follow and like us: