Apat na biktima ng human trafficking naharang ng BI sa NAIA

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na babaeng hinihinalang biktima ng human trafficking.

Sinabi ng BI na tatlo sa mga biktima ay na clear na para bumiyahe at pasakay na sa flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia habang ang isa pang biktima ay patungong Bangkok, Thailand.

Nagpanggap umanong turista ang mga ito pero kalaunan ay umamin na ang kanilang final destination ay sa Lebanon kung saan sila magtatrabaho.

Sinabi ng mga biktima na nakilala lang umano nila sa social media ang kanilang recruiter.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, tinanggal na rin sa pwesto ang kanilang tauhan na nag-clear sa tatlo habang on-going pa ang imbestigasyon laban sa mga ito.

Nai-turn-over naman sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang mga biktima para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *