Apat na milyong halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa QC

Nagsagawa ng joint buy-bust operation ang PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 5 sa pangunguna ni Pol. Capt Inar Vic Florece, at Station Drug Enforcement Unit ng QCPD Holy Spirit Station 14 sa pangunguna ni Pol. Maj Jun Fortunato.

Nakumpiska sa naturang operasyon na isinagawa sa Don Antonio Heights, Holy Spirit, QC ang shabu na nagkakahalaga ng 4,352,000.00 pesos.

Arestado sa isinagawang buy-bust ang 36-anyos na si Khalid Guiabal o mas kilala umano sa tawag na Leds,, pagkatapos niyang bentahan ang mga operatibang nagpanggap na buyer sa kaniya mismong tahanan.

Narekober mula sa suspek ang isang medium size na plastic sachet ng droga, at 21 piraso ng iba’t-ibang sukat ng plastic sachet ng droga.

Nakuha rin sa suspek ang ginamit na boodle money at buy-bust money, mga ID at cellphone nito.

Dinala ang suspek sa PNP Drug Enforcement Group sa Camp Crame para sa imbestigasyon at kaukulang disposisyon.

Ulat ni Yumi Sabanal

Please follow and like us: