Aplikasyon para sa judgeship positions sa mga korte sa Regions 3-5, binuksan ng JBC

Tumatanggap na ang Judicial and Bar Council (JBC) ng aplikasyon o nominasyon sa judgeship positions para sa mga korte sa Regions 3 hanggang 5.

Sa abiso ng JBC, sinabi na mayroon hanggang sa Agosto 10 ngayong taon ang mga interesadong aplikante para i-access ang Online Application Scheduler sa JBC website at isumite ang lahat ng aplikasyon at documentary requirements.

Binuksan din ng JBC ang aplikasyon para sa bakanteng puwesto bilang Legal Education Board member.

Partikular sa pagiging kinatawan ng Philippine Association of Law Schools kapalit ni Josefa Sorera-Ty.

Binalaan naman ng JBC ang mga aplikante na magsisinungaling sa kanilang aplikasyon na madidiskuwalipika sila o kaya ay mahaharap sa reklamong perjury.

Moira Encina

Please follow and like us: