Aplikasyon para sa mga bakanteng puwesto sa mga korte sa buong bansa, bubuksan ng JBC sa Mayo 22

Inanunsiyo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang nationwide opening ng mga bakanteng posisyon sa mga hukuman sa bansa.

Sa abiso ng JBC, sinabi na bubuksan ang aplikasyon sa Mayo 22 para sa mga puwesto sa mga korte sa National Capital Region at Regions 1 hanggang Region 12.

Ilan sa may opening na posisyon sa NCR ay ang mga hukuman sa Caloocan City, Malabon, Maynila, Parañaque City, Pasay City, at Pasig City.

Ayon sa JBC, makikita sa website ang kumpletong listahan ng documentary requirements.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *