Appointment ni Foreign Affairs secretary Teddy Locsin, lusot na sa Commission on Appointments

Lumusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Foreign Affairs secretary Teddy Locsin.

Si Locsin ang itinalaga ng Pangulo kapalit ni dating Secretary Alan Peter Cayetano na nagbitiw matapos maghain ng kaniyang Certificate of Candidacy.

Walang humarang sa appointment ni Locsin nang isalang ito kanina sa plenaryo.

Pero nakuwestyon si Locsin sa isyu ng West Philippine Sea at mga Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pilipinas bago naghain ng mosyon si Senador Gringo Honasan para sa confirmation ni Locsin.

Kasama sa inaprubahan ang Appointment ng 47 mga foreign diplomats.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *