Arroyo tinanggal bilang House Senior Deputy Speaker

Tinanggal sa kaniyang posisyon bilang House Senior Deputy Speaker si Pampanga Representative at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa paliwanag ni House Majority Leader at Zamboanga 2nd District Representative Manuel Jose Dalipe, ito’y upang bawasan umano ang bigat ng gampanin nito bilang Kongresista.

Pero sa maikling statement na inilabas ni Arroyo, sinabi nito na “it’s the prerogative of the House.”

Sinabi ng ilang malalapit sa dating Pangulo na maayos naman ang kalusugan nito.

Sa session nitong Miyerkules, May 17, pinalitan si Arroyo ng kapwa Kapampangan na si 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr.

Si Arroyo ang tumatayong chairman emeritus ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Si Arroyo rin ang isa sa mga kongresista ng 19th Congress na nag-endorso sa kaniyang party-mate na si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez bilang House Speaker na naipagtagumpay naman nito noong July 2022.

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *