Asean Secretary-General Dato Lim Jock Hoi, humarap kay Singaporean Prime Minister Lee Hsein Loong

 

Sa unang pagkakataon, nakipag-courtesy call si Asean Secretary-General Dato Lim Jock Hoi kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.

Pinag-usapan nina Prime MInister Loong at Sec-Gen Hoi ang mga nakalinyang Asean meeting at related summit na isasagawa sa buong taong ito sa Singapore kasabay ng Chairmanship ng kanilang bansa.

Kapwa nagpahayag naman ng buong suporta sina Loong at Hoi na kanilang itataguyod ang magandang simulain na itinaguyod ng Asean at Singapore sa nakalipas na limampung taon.

Kapwa din nangako ang dalawang opisyal na pagtitibayin pa nila at patatatagin ang ugnayan sa lahat ng aspetong isinusulong ng Asean at ng Singapore.

Ulat ni Jet Hilario

 

=== end ===

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *