Atty. Jose Manuel Diokno at iba pang abogado sa Writ of Kalikasan case, inatasan ng Korte Suprema na patunayan na may alam ang mga mangingisda sa nilalaman ng petisyon

An aerial photo shows Thitu Island, part of the disputed Spratly group of islands, in the South China Sea located off the coast of western Philippines on July 20, 2011. Philippine lawmakers flew to an island in the disputed Spratly chain, despite warnings from China that the trip would destabilise the region and damage ties. AFP PHOTO / POOL / AFP PHOTO / POOL / ROLEX DELA PENA

Hindi muna inaksyunan ng Korte Suprema ang mosyon nina Atty. Jose Manuel Diokno, Atty. Andre Palacios at Atty. Gil Anthony Aquino na umatras  bilang counsel para sa 20 mangingisdang petitioner sa writ of kalikasan case sa West Philippine Sea.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, inatasan ng Korte Suprema ang mga abogado na magbigay ng patotoo na alam ng mga mangingisdang petitioners na alam nila ang aktuwal na nilalaman ng petisyon.

Nais din ng Supreme Court na subukan muli ng mga abogado na makipag-ugnayan sa kanilang kliyente.

Iniutos din ng SC na magbigay sina Diokno ng legal justification na maaring mapagbigyan ang kanilang motion to withdraw as counsel habang maiiwan namang walang abugado ang karamihan sa mga petitioner.

Binigyan ng pitong araw sina Diokno para tumalima sa utos ng Korte Suprema.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *