Auditing ng NFA operations, inaapila na ng NFA council sa Malakanyang

Pinamamadali na ng Office of the Secretary to the Cabinet ang pag-audit sa operations ng National Food Authority o NFA.

Kasunod na rin ito ng ulat na naubos na ang suplay ng NFA rice para sa Metro Manila.

Sinabi ni Assistant Secretary  Jonas George Soriano, tagapagsalita ng Office of the Secretary to the Cabinet, napagpasyahan noong March 19 NFA Council meeting na magsagawa ng audit sa naging operasyon ng NFA.

Ayon kay Soriano kabilang  sa kailangang ma-audit agad ang october-december 2017 operations ng NFA.

Inihayag ni Soriano na napansin ng NFA council kung bakit sumabay ang NFA sa pagbebenta ng mga NFA rice gayong harvest season ito ng palay sa bansa.

Iginiit ni Soriano na dapat din ma-audit ang buong operasyon ng NFA buhat ng pumalit ang Duterte administration.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *