Ayaw mo bang malagas ang ngipin mo?

Mahalaga itong pag-uusapan natin at sana ay maging bukas ang ating kaisipan. Mali ang iniisip ng iba na kaya sila naninigarilyo ay para matunaw agad ang kanilang kinain. Promo po ito noon na para ma-digest ang pagkain nakatutulong ang paninigarilyo.

No wonder, nagkaroon ng mindset ang tao noon na pagkatapos kumain ay manigarilyo. Naku, ang tindi ang advertising, hindi po ba? Strictly ang sigarilyo ay bad sa kalusugan.

Sa paninigarilyo puwede kang magkasakit sa gilagid. Ang blood supply sa gilagid hindi maganda, kasi naiinitan. Kaya apektado ang blood flow sa gums. Hindi makangiti ng maayos dahil sa stains ng nicotine sa ngipin. Paninilaw, pangingitim.

Ano pang epekto ng smoking? Dry mouth, kaya prone sa tooth decay. So, maraming dental health problems na galing sa smoking. Alam naman natin na hindi lang sa ngipin nakakaapekto ang smoking kundi sa general health.

Alam po ba ninyo na in three seconds na nalanghap ang usok ng sigarilyo ay pumupunta na ito sa brain? Papasok sa baga, papasok na sa puso. Kaya nga, kapag naninigarilyo ang unang mawawala ay ngipin, malalagas dahil ang blood supply sa ngipin sa halip na malakas ay hihina.

Kulang sa circulation kaya magkakasakit ang ngipin. Kaya ng ang mga nanninigarilyo prone na magdenture o pustiso. Kaya magastos. Isang tip para lumabas ang toxin dulot ng paninigarilyo, magsauna o steam bath.

Mainam kung everyday kahit ilang minuto man lang para makalabas ang toxins sa katawan.

Please follow and like us: