Babae, patay matapos mahagip ng truck sa Meycauayan, Bulacan

Patay ang isang babae matapos mahagip ng truck sa Mc Arthur highway sa Barangay Soloysoy Meycauayan, Bulacan kaninang madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Normita Barcelona, 49 anyos.
Ayon sa mga otoridad, posible daw na nasa gilid ng kalsada ang babae kasama ang ka-live-in partner nito na hindi nagpakita na sa crime scene na sinasabing kasama ng biktima.
Ayon kay SPO1 Filamer Guillermo, may nakita anila silang Skid mark ng gulong ng truck kung saan naka-puwesto ang biktima bago mangyari ang insidente.
Hindi na hinintuan at tumakas ang driver ng truck.
Ayon sa kapatid ng bitkima na si Glen Santos, nagpunta sa kanila ang ka-live-in partner ng kaniyang kapatid kaya dito nila nalaman ang nangyaring aksidente pero hindi na muling nagpakita pa ang live-in partner ng biktima dahil umano sa takot at trauma sa nangyari.
Nanawagan din sila sa truck driver na nakasagasa sa kaniyang kapatid na sumuko na sa mga otoridad.
Samantala, inaalam na ng mga otoridad kung mayroong CCTV Camera sa lugar na makakatulong sa mabilis na ikauusad ng imbestigasyon sa insidente.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *