Bagong Court Admin Raul Villanueva, nanumpa na sa puwesto

Nanumpa na bilang bagong Court Administrator si dating Deputy Court Administrator Raul Villanueva.

Si Chief Justice Alexander Gesmundo ang nangasiwa sa oath taking ni Villanueva sa Dignitaries’ Lounge ng Supreme Court.

Courtesy: SC PIO

Bago maging court admin, si Villanueva ang deputy court administrator mula 2010.

Nagsimula ang karera ni Villanueva sa hudikatura noong 2002 nang mahirang siya na Presiding Judge ng Las Piñas RTC Branch 255.

Naging acting presiding judge din si Villanueva sa Taguig RTC at Manila RTC at Executive
Judge ng Las Piñas RTC.

Nagtapos ng abogasya ang opisyal sa UP noong 1990.

Moira Encina

Please follow and like us: