Bagong Court Administrator, itinalaga

Si Deputy Court Administrator Raul Villanueva ang bagong Court Administrator.

Itinalaga si Villanueva sa puwesto ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa En Banc Session ng Korte Suprema nitong Martes, Marso 1.

Pinalitan ni Villanueva sa posisyon si dating Court Administrator Jose Midas Marquez na nahirang naman na associate justice ng Supreme Court noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Alinsunod sa batas na lumikha sa OCA, ang punong mahistrado ang humihirang sa court administrator.

Ang court admin ang nangangasiwa sa lahat ng hukom at mga kawani ng korte, at maging sa halls of justice at court houses.

Moira Encina

Please follow and like us: