Bagong Justice Sec. Remulla, umapela ng suporta at tulong mula sa mga kawani ng DOJ

Nanawagan si bagong Justice Secretary Crispin Remulla sa mga empleyado at opisyal ng DOJ ng tulong at suporta sa kaniyang pamumuno sa kagawaran.

Sa pagdalo ni Remulla sa unang flag ceremony niya bilang kalihim ng DOJ, sinabi nito na maraming dapat na gawin para magampanan at maisakatuparan nang maayos ang kanilang mga plano at programa sa justice department.

Ayon pa kay Remulla, magiging maaksyon at puno ng committment at pag-asa ang DOJ sa ilalim ng bagong gobyerno.

Tiniyak ng bagong justice chief na ipagkakaloob nila ang katarungan sa lahat, anuman ang kalagayan sa buhay at walang pinapaboran.

Pinasalamatan din ng dating kongresista si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagkakataon na ibinigay para pamunuan ng ang DOJ.

Moira Encina

Please follow and like us: