Bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw , umabot sa 4,084

Nakapagtala ng 4,084 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of health ngayong araw.

Sa kabuuang , umabot na sa 2 , 855, 819 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito 24,992 ang aktibong kaso .

May 497 naitalang bagong gumaling , kaya naman umabot na sa 2,779,241 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 16 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 51,586 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, may 2 laboratoryo ang hindi operational noong january 1 habang may 21 ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 repository system.

Madz Moratillo

Please follow and like us: