Bagong mga kaso ng Covid-19 bumaba sa 10,726 ngayong Biyernes

Bumaba sa 10,726 ang panibagong kaso ng Covid-19 na naitala ng Department of Health ngayong araw.

Ito ay mula sa naitalang new cases kahapon na 11,429.

Dahil dito, pumalo na sa 914,971 ang kabuuang kaso ng virus infection sa bansa.

Pero sa nasabing bilang, nasa 193,476 lamang ang aktibong kaso.

May naitala ring mga bagong gumaling sa sakit na nasa 650 kaya pumalo na sa 705,757 ang mga nakarekober sa karamdaman.

Habang may mga naitala ring 145 na bagong namatay kaya nasa 15,738 na ang death toll ng bansa sa Covid-19.

Please follow and like us: