Bagong PNP Spokesman, naupo na sa puwesto

Naupo na sa pwesto si Police Chief Supt.John Bulalacao bilang bagong taga pagsalita ng Pnp at hepe ng public information office.

Pinalitan nya sa pwesto si Police Chief Supt. Dionardo Carlos na itinalaga kahapon bilang director ng PNP Aviation Security Group.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Bulalacao na batid nyang malaki hamon ang bagong position na ibinigay sa kanya kasabay na muling pagsabak ng PNP sa Oplan Tokhang.

Gayunman, sisikapin ng opisyal na gampanan ang trabaho na ibinigay sa kanya para na rin sa kapakanan ng taaumbayan.

Isa sa mga magiging prayoridad ni Bulalacao ay ang paglaban sa fake news na mabilis na kumalat sa pamamagitan ng teknolohiya.

Lalabanan nya ito sa pamamagitan ng paglalabas ng tamang impormasyon ukol sa PNP sa pamamagitan ng pagiging transparent sa mainstream at alternative media.

Si Bulalacao ay kaklass ni Carlos sa PMA Maringal class of 1988.

Naupo na rin sya bilang directorial staff ng PNP National Capital Region Police Office at humawak na rin ng position ng PNP Civil Security Group at PNP Special Action Force.

Naging provincial director din si Bulalacao sa lalawigan ng Cavite mula 2011-2012.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *