Bagong PNP Spokesperson Police Senior Superintendent Benigno Durana at HPG Director Police Chief Superintendent Roberto Fajardo, naupo na sa puwesto
Naupo na bilang bagong hepe ng public information office at taga pagsalita ng PNP si Police S/Supt.Benigno Durana.
Pinalitan ni Durana kanyang kaklase sa PMA Maringal class of 1988 na si Police C/Supt John Bulalacao na itinalaga naman bilang bagong director ng PNP Region6.
Huling naassign si Durana sa PNP holding and accounting unit sa Kampo Krame.
Sa kanyang assumption speech, nagpasalamat si Durana kay PNP Chief Oscar Albayalde sa tiwalang ibinigay sa kanya para hawakan ang isa sa mga itinuturing nyang pinaka importante at kritikal na position sa PNP.
Nangako rin si Durana na ipagpapatuloy nya ang magandang pakikipag ugnayan sa media na itinuturing nilang partner.
Naniniwala raw kasi si Durana na ang public service ay 50 percent communication,kailangan nilang iparating sa publiko ang kanilang mga ginagawa para mas maging epektibo at ito ay sa pamamagitan ng media.
Naupo na rin sa pwesto bilang baging hepe ng PNP highway patrol group si Police Chief Supt Roberto Fajardo.
Pinalitan nya sa pwesto si Police Chief Supt Arnel Escobal na kanyang kaklase sa PMA class of 1987.
Sa turn over ceremony, hinamon nya ang mga tauhan ng HPG na ipagpatuloy lang kung ano ang kanilang ginagawa pero kailangan daw nilang gawin itong extraordinary upang mas maramdaman sila ng publiko.
Binigyan nya ng isang buwan ang kanyang mga tauhan para pataasin ang antas ng kanilang trabaho kung ayaw nilang maghiwahiwalay.
Pangunahin sa tutukan ng HPG ang traffic sa EDSA sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Tutukan din ang mga kaso ng carnapping at motornapping bilang pangontra din sa ridding in tandem criminals dahil kadalasang mga naka motorsiklo ang ginagamit ng mga ito.
Ulat ni Mar Gabriel