Bagong US Ambassador to the Philippines, dumating na sa bansa

Nasa Pilipinas na si bagong US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.

Ayon kay Carlson, sabik siya na makarating sa Pilipinas at masimulan ang kaniyang trabaho sa pagpapalakas pa sa ugnayan ng US at Pilipinas.

Iprinisinta na rin ni Carlson sa Department of Foreign Affairs ang kaniyang credentials.

Nagsilbing Deputy Chief of Mission si Carlson ng US sa Argentina bago maitalaga na US Ambassador.

Pinalitan ni Carlson si US Ambassador Sung Kim na bumaba sa posisyon noong 2020.

Moira Encina

Please follow and like us: