Bahagi ng MV Hong Hai na lumubog sa Corregidor naialis na – Coast Guard

Naialis na sa bahagi ng Corregidor ang lumubog na MV Hong Hai 189.

Sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), nai-tow na ang lumubog na dredger sa bahagi ng Barangay Sisiman sa Mariveles, Bataan.

Sinabi ng Coast Guard na naglagay din sila ng oil spill booms sa lugar bilang precautionary measure.

Pero sa ginawang assessment ay wala naman daw silang nakitang trace ng oil spill.

Lumubog ang MV Hong Hai matapos mabangga ng oil tanker na MT Petite Soeur noong BIyernes, April 28.

Dalawa pang tripulante nito ang patuloy na pinaghahanap.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *