Balibago Ligtas COVID Isolation Facility sa Angeles City binuksan na

Kabilang na ngayon ang Gueco Balibago Elementary School, sa mga magiging isolation o quarantine facilities sa siyudad ng Angeles.

Kasama na ito sa City College of Angeles o CCA, ang isa sa pinakamalaking qurantine facility sa syudad.

Nilagdaan nina Angeles City Mayor Carmelo Lazatin, Jr. at Barangay Balibago Captain Tony Mamac, ang Memorandum of Agreement ( MOA).

Nakasaad sa MOA na dapat ay real-time at araw-araw ang pagrereport ng Balibago Ligtas COVID Isolation Facility sa Pamahalaang Lungsod ng Angeles.

Ang mga dadalhin naman sa pasilidad na ito ay mga indibidwal na naghihintay ng resulta ng kanilang swab test, pati na rin ang mga close contacts.

Ito ay nasa ilalim ng pangagasiwa ng Rural Health Unit IV ng lungsod.

Ulat ni Rinalyn Carlos

Please follow and like us: