Bandila sa Senado, inilagay sa half mast kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Naka-half mast na ang bandila sa Senado bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nagluluksa ang buong Senado sa pagkamatay ng dating Pangulo na naging miyembro rin ng Senado.

Si Aquino ay nagsilbi bilang Senador mula 2007 hanggang 2010.

Nagpaabot rin ng pakikiramay si Senador Sonny Angara na isa sa naging matalik na kaibigan ni Aquino.

Inalala rin nito ang mga ginawang reporma ng administrasyong Aquino kabilang ang “walang wang-wang, walang counterflow, walang tong”, “walang tongpats”, “kayo ang boss ko.”

Meanne Corvera

Please follow and like us: