Bangkay ng isang lalake, natagpuan sa loob ng kotse sa Old Balara, Quezon city

Palaisipan sa mga imbestigador ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6 ang dahilan ng pagkamatay ng isang lalake na ang bangkay ay natagpuan sa loob ng isang kulay item na kotseng Toyota Vios na may Plate Number na UNQ 827.

Batay sa salaysay ng mga grab driver na unang nakapuna sa dalawang araw ng nakaparadang sasakyan ng biktima napansing nakaawang ang pintuan ng kotse kaya sinilip nila ito at nakita ang bangkay ng isang lalake na nakasuot ng itim na short at puting TShirt.

Sinabi naman ni Police Lt. Colonel Morgan Aguilar Station Commander ng Quezon City Police District Batasan Police Station 6 na hihintayin muna nila ang resulta ng autopsy report ng Scene of the Crime Office o SOCO bago ilabas ang pagkakakilanlan sa biktima.

Ayon kay Lt. Colonel Morgan nasa kamay na ng SOCO ang lahat ng mga personal belongings ng biktima na narekover sa loob ng kanyang sasakyan para isagawa ang mga technical verification.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *