Banta sa buhay ni Pangulong Duterte seryoso ayon sa Malakanyang

 

 download
courtesy of wikipedia.org

Itinuturing ng Malakanyang na seryoso ang banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na mahigpit ang seguridad na ibinibigay  ng Presidential Security Group o PSG kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Secretary Andanar prioridad ng PSG ang kaligtasan ng Pangulo ngayong uncertain times dahil sa gulo sa Marawi City na kagagawan ng teroristang Maute group at ang presensiya ng ISIS sa Mindanao.

Inihayag ni Andanar na maging ang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ay nag-iwan din ng banta sa buhay ng Pangulo matapos salakayin ang Pigkawayan North Cotabato.

Hindi naman niliwanag ng Malakanyang kung may kaugnayan sa banta sa buhay ng chief executive sng bihirang public appearance ng Pangulo.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *