Bar topnotcher itinalaga ni Pangulong Duterte bilang acting Secretary ng DBM

Isang bar topnatcher ang ipinuwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang acting Secretary ng Department of Budget and Managemento DBM.

Pansamantalang pamumunuan ni Undersecretary Janet Abuel ang DBM matapos na italaga ni Pangulong Duterte si Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas kapalit ni BSP governor Nestor Espenilla na kamakailan ay pumanaw dahil sa sakit na kanser.

Si Abuel ay produkto ng Lee Kwan yu University sa Singapore kung saan ay nagtapos siya ng Master of Public Administration habang nakapagtapos din ito ng Master of laws sa University of Sydney sa Australia.

Una dito’y nagpaabot ng pasasalamat ang Malacañang sa ipinagkaloob na serbisyo ni Diokno sa Department of Budget and Management dahil sa kanyang hindi matatawaran na kakayanan.

Naniniwala ang Malakanyang na nasa mabuting kamay ang BSP sa ilalim ng pamamahala ni Diokno kung saan, tiyak umanong magpapatupad ito ng reporma sa ahensiya.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *