Batanes, hindi dinaanan ng bagyong Rosita

Nagpapasalamat si Batanes Governor Marilou Cayco dahil hindi sila dinaanan ng bagyong Rosita.

Ayon sa Gobernador, sa sobra aniya nilang paghahanda ay natakot magtungo ng bagyo sa kanilang lalawigan.

Sa ngayon ay maganda na aniya ang panahon sa Batanes at pwedeng-pwede nang magtungo at mamasyal doon ang mga turista.

Ang batanes ay kilalang madalas daanan ng bagyo dahil sa lokasyon nito.

Sa awa ng Diyos, lumihis yung bagyo at bumaba siya, hindi kami naapektuhan. Dahil sa sobra naming paghahanda, natakot ang bagyo na pumasok sa aming probinsiya”.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *