Batas na lilikha ng Department of migrant workers , pinirmahan na ni Pangulong Duterte sa Malakanyang

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na lilikha ng Department of Migrant Workers.

Sinabi ng Pangulo na mahalaga ang pagkakaroon ng ahensiya na tututok sa kapakanan ng mga manggagawang pinoy sa ibang bansa.

Ayon sa Pangulo isa ito sa magiging legacy ng kanyang administrasyon para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya.

Inihayag ng Pangulo kinikilala ng pamahalaan ang sakripisyo at kontribusyon ng mga migrant worker na may malaking ambag sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang remittances.

Vic Somintac

Please follow and like us: