BBM-Sara nanguna sa panibagong presidential at vice- presidential survey

Si dating Senador Bongbong Marcos at running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ang nanguna sa ginawang presidential at vice presidential survey ng Tangere at Manila Bulletin.

Ang nationwide survey ay ginawa noong Enero 18 hanggang 19, 2022 na nilahukan ng 2,400 respondents.

Sa mga kandidato sa pagka-presidente, nanguna si Marcos na nakakuha ng 57.67%.

Ang pumangalawa rito na si Manila Mayor Isko Moreno ay nakakuha ng 16.75% habang si Vice- President Leni Robredo naman ay 15.8%.

Sa mga kandidato naman sa pagka- bise presidente, nanguna si Mayor Sara na nakakuha ng 53.17%.

Pumangalawa si Senador Tito Sotto na may 19.42% at pangatlo si Doc Willie Ong na may 17.54%.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: