BBM- Sara tandem inendorso ni Tarlac Gov. Yap

Inendorso ni Tarlac Governor Susan Yap ang tambalang nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte para sa Presidential at Vice- Presidential elections sa Mayo.

Ang Tarlac ang home province ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ang endorsement ay ginawa ni Yap nang mangampanya ang UniTeam sa lalawigan.

Sinabi ni Yap na 14 na alkalde sa Tarlac ang sumusuporta rin sa BBM-Sara tandem.

Tiniyak ni Yap na kaya nilang maka-garantiya ng 50 hanggang 60% boto sa lalawigan para sa dalawa sa darating na halalan.

Matatandaang natalo si BBM kay Vice- President Leni Robredo sa Tarlac noong 2016 elections.

Paglilinaw naman ni Yap na ang endorsement ay kanyang personal na desisyon.

Wala aniyang kinalaman dito ang partidong kanyang kinabibilangan na Nationalist People’s Coalition.

Wala pa kasing ini-endorsong presidential candidate ang NPC.

Maliban sa gobernadora, nagpahayag rin ng suporta sa BBM-Sara tandem si Tarlac 2nd District Rep. Victor Yap na miyembro rin ng NPC.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us: