BBM-SARA Uniteam Coalition, umapila kay PBBM na ire-appoint ang na bypass na si Comelec Chairman Saidamen Pangarungan

Lumiham ang mga opisyal at myembro ng BBM Sara Uniteam Coalition kay President elect Bongbong Marcos para hilingin na i- reappoint si COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan na na- bypassed ng Commission on Appointments.

Naniniwala ang grupo na isang malakas na argumento para sa reappointment ni Pangarungan ang matagumpay na May 2022 National and Local elections.

Ang nasabing halalan aniya ang itinuturing na pinakamabilis na turnout, transmission ng resulta at pinaka mapayapa.

Pag-upo palang umano ni Pangarungan, trinabaho agad nito ang pagtiyak ng transparency sa Comelec na inuulan ng mga katanungan ng publiko lalo at malapit na ang halalan.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: