Bente dos anyos na babae binihag ng mga armadong lalaki sa Sulu

Pansamantala umanong isinailalim sa emergency lockdown ang buong Metro Jolo sa Sulu, kasunod ng pagbihag sa isang 22 anyos na babae, sa Capitol Site, Brgy Bangkal, Patikul, Sulu.

Nangyari ang insidente ngayong Biyernes.

Ayon sa PNP Sulu, ang binihag ay nakilalang si Narsiza Hashim, residente ng Barangay Kasalamatan Village, Block 10, Lot 59, Street 16, Jolo.

Nasa Grandstand umano ng Capitol Site, Brgy. Bangkal, Patikul, Sulu, ang biktima nang dukutin ng mga armadong lalaki, saka itinakbo patungong Martirez, Jolo, sakay ng isang gray na close van.

Iniimbestigahan na ng PNP Sulu kung sino ang nasa likod ng pagdukot.

Ulat ni Ely Dumaboc

Please follow and like us: