BI naka-heightened alert na para sa darating na long holiday

Isinailalim na sa heightened alert ng Bureau of Immigration ang mga tauhan nito sa mga paliparan at pantalan bunsod ng inaasahang dagsa ng mga pasahero na magbabakasyon sa long holiday sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, idineploy ang karagdagang 50 immigration officers sa mga arrival at departure areas sa NAIA.

Inatasan din ang Port Operations Division na mas maghigpit sa screening ng lahat ng paparating at papaalis na pasahero at tiyakin sapat ang mga tauhan nito.

Nagisyu na rin ng memorandum sa mga BI personnel, terminal heads at duty supervisors na nagbabawal sa mga ito na lumiban mula ngayon hanggang Abril 22.

Tiniyak ng BI na gagawin nila ang kanilang lahat na makakaya para mahadlangan ang mga sindikato na samantalahin ang long holiday.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *