Bigtime oil price hike, muling ipatutupad ngayong linggong ito

Panibagong pagtaas sa presyo ng langis ang muling aasahan ng mga motorista ngayong linggong ito.

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, maaaring tumaas ang presyo ng kanilang diesel ng P2.00 hanggang P2.10 kada litro habang ang gasolina ay nasa P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang magiging dagdag presyo.

Nag-anunsiyo rin ang ilang fuel firm na epektibo sa Martes, ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Flying V, Petron Corp., Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Inc. ay magpapatupad ng price hike na P0.55 sa kada litro ng gasolina, P0.90 sa diesel at P0.95 sa kerosene.

Ganito rin ang dagdag presyong ipatutupad ng Cleanfuel, Petro Gazz, Phoenix Petroleum Philippines Inc., at PTT Philippines Corp.

Ito na ang ika-anim na magkakasunod na linggong price hike.

Please follow and like us: