Bilang ng 5 to 11 yrs old na nabakunahan na kontra COVID-19 mahigit 50,000 na

Umabot na sa mahigit 52,000 bata na nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang ang nabigyan na ng 1st dose ng bakuna kontra COVID-19.

Sa nasabing bilang, ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, 4 lamang ang nakitaan ng adverse reactions.

Pero pawang mild lamang aniya ang mga ito.

Ang ilan ay nakaranas ng pananakit sa injection site, rashes, pagtaas ng blood pressure, lagnat, at pagsusuka.

Pero agad rin naman aniyang na-manage ang mga ito at nawala rin.

Apila ni Vergeire sa mga magulang, huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil ligtas ang bakuna at epektibo.

May mahigit 50 vaccination sites na aniya ang binuksan para sa mga nasa edad 5 to 11 yrs old.

Madz Moratillo

Please follow and like us: