Bilang ng mga health care worker na tinamaan ng Covid-19, mahigit 25,000 na

Umabot na sa 25,214 health care workers sa bansa ang tinamaan ng Covid-19.

Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong Setyembre 22, nakarekober naman na ang 24,648 sa kanila.

May 105 naman na nasawi, habang ang 461 aktibong kaso pa.

Sa active cases na ito, 255 ang mild, 156 ang asymptomatic, 21 ang nasa moderate condition, 20 ang severe at 9 ang kritikal.

Pinakamarami sa mga tinatamaan ng Covid-19 sa hanay ng mga health worker ay mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistant.

Madz Moratillo

Please follow and like us: