Bilang ng mga health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19 patuloy na nadaragdagan

Kabuuang bilang ng health care workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19 patuloy na nadadagdagan.

Umabot na sa 28,805 ang kabuuang bilang ng mga health care worker na tinamaan ng COVID-19 dito sa bansa.

Pero ayon sa Department of Health, sa bilang na ito 105 ang aktibong kaso.

Pinakamarami sa mga tinamaan ng virus ay mga nurse, sinundan ng mga doktor at nursing assistant.

May 28,584 naman ang nakarekober na mula sa sakit.

Umabot naman na sa 116 ang bilang ng nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: