Bilang ng mga Healthcare worker na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa mahigit 24 libo

Umabot na sa 24,091 healthcare workers sa bansa and tinamaan ng COVID-19.

Pero ayon sa Department of Health, mataas naman ang recovery rate sa kanilang hanay, kung saan ang 23,627 rito ay nakarekober na mula sa sakit.

May 360 namang aktibong kaso pa.Sa active cases na ito, 229 ang mild, 84 ang asymptomatic, 17 ang nasa moderate condition, 21 ang severe at 9 ang kritikal.

Pinakamarami sa mga nagpositibo sa virus ay mga nurse na sinundan ng mga doktor at nursing assistant.

May 104 naman sa kanila ang nasawi.

Madz Moratillo

Please follow and like us: