Bilang ng mga illegal at undocumented Pinoy workers na nagtutungo sa China dumarami dahil sa mas magandang job oppurtunities -Cong. Bertis

Bagamat regular na nagtataas ang sahod ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Hongkong,  hindi pa rin ito sapat.

Sa panayam ng programang Agila Balita alas-siyete, sinabi ni OFW-ACTS Partylist Representative John Bertis may kaliitan pa rin ang sahod ng mga kababayan nating OFWs doon dahil sa tumataas na mga bilihin sa Hongkong.

Dahil din dito, tumataas din ang bilang ng mga undocumented workers sa Hongkong dahil maraming mga OFWs ang nagpupunta sa mainland China dahil sa mas mataas na sahod.

Ito ngayon ang dapat pag-aralan ng POEA kung paanong magiging ligal ang mga kababayan nating lumilipat ng China para makahanap ng mas magandang opurtunidad.

“Problema nga po natin dito, tumataas ang bilang ng mga illegal or undocumented workers na nagtutungo sa China dahil malaki ang opurtunidad o magandang offer ng mainland China”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *