Bilang ng mga nakakarekober sa PNP mula sa Covid-19, naragdagan ng 48

Nakapagtala ng panibagong 48 na mga nakarekober mula sa Covid-19 ang Philippine National Police.

Batay sa datos ng PNP Health service as of May 10, umakyat na sa 19,661 ang kabuuang recovery cases sa kanilang hanay.

Samantala, may bagong 72 kaso naman ang naitala ng PNP kaya pumalo na sa 21,168 ang kumprimadong kaso na may 1,518 aktibong kaso.

Naragdagan din ng isa ang mga pumanaw sa Covid-19 kaya nasa 59 na ang Death Toll sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Please follow and like us: