Bilang ng mga nasawi dahil sa Omicron variant umabot na sa lima

Umabot na sa lima ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa Omicron variant ng COVID-19.

Ito ay ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire ay matapos may 3 pasyente na may omicron ang nasawi.

Sinabi ni Vergeire na lahat ng nasawi na ito ay mayroong commorbidities.

Sa 5 nasawi, 3 ay senior citizens.

Sa datos ng DOH, ang isa sa mga nasawi ay partially vaccinated habang ang isa ay hindi pa nabakunahan kontra Covid-19.

Bineberipika naman ng DOH ang vaccination status ng 3 iba pa.

Ayon sa DOH, ang Omicron na ang predominant sa lahat ng variant ng Covid-19.

May 535 kaso na ng Omicron ang naitala sa bansa.

Ayon sa DOH, bagamat karaniwang mild ang epekto nito sa mga tinatamaan, delikado naman ito para sa mga matatanda at may commorbidities at mga hindi bakunado.

Madz Moratillo

Please follow and like us: