Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Dante, umakyat na sa anim; 3 pa ang nawawala

Naragdagan pa ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Dante.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa anim ang namatay dahil sa bagyo.

Nadagdag sa casualties ang isang 49-anyos na lalake mula sa Hinoba-an Negros Occidental matapos tangayin ng baha ang kaniyang sasakyan.

Tinangay naman ng malakas na agos ng tubig ang isa pang lalaki sa Dumanjug, Cebu nang tangkain nitong iligtas ang kaniyang kalabaw.

Dalawa ang naitalang sugatan habang tatlo pa ang iniulat na nawawala.

Meanne Corvera

Please follow and like us: