Bilang ng nasawi sa lindol sa Abra umakyat na sa 11

Sumampa pa sa 11 ang bilang ng mga namatay kasunod ng magnitude 7.0 na lindol sa hilagang Luzon noong nakalipas na Linggo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang nadagdag na biktima ay isang 59 years old na lalaki mula sa Tubo, Abra.

Namatay ito sa brain injury matapos mabagsakan ng kisame na yari sa kawayan na may nakapatong na sako ng buhangin.

Nauna nang ipinahayag ng ahensya na ang siyam na biktima ay mula sa Cordillera Administrative Region habang ang isa ay mula sa Ilocos Region.

Nasa 410 indibidwal naman ang naiulat na sugatan matapos ang lindol.

Please follow and like us: