Bilang paghahanda sa tag-ulan, sanga ng matatandang puno sa McArthur highway sa San Fernando, sinimulan nang putulin

Sa tulong ng City Engineer’s Office, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng San Fernando, Pampanga ng pagpuputol ng mga sanga ng matatandang puno.

Ito ay sa kahabaan ng daan sa Capitol Boulevard ng Barangay Sto. Niño, at Magdalena Street sa Barangay San Juan bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan.

Ang mga nasabing lugar ay dalawa sa mga pinaka-abalang kalsada ng San Fernando, na dinaraanan ng mga motorista mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod at mga kalapit na bayan.

Ayon kay City Engr. Anele David, nilalayon nitong maiwasan ang pagbagsak ng mga sanga na maaaring magdulot ng kapinsalaan bunga ng aksidente.

Samantala, patuloy din ang pamahalaang lungsod sa taun-taong paglilinis, gaya ng declogging at desilting sa mga daanan ng tubig upang maiwasan ang posibleng mga pagbaha.

Ulat ni Desiree Jae Manansala

Please follow and like us: