Bilangan para sa partylist votes muling itutuloy ng Comelec NBOC ngayong hapon

Muling ipagpapatuloy ng Commission on Elections na nagsisilbing National Board of Canvassers ang pagbilang ng mga boto para sa partylist.

Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, kaninang 4:16 am ay naitransmit na sa NBOC ang certificate of canvass mula sa Lanao del Sur.

Ito ay matapos ang matagumpay na special elections na ginawa sa bayan ng Tubaran kahapon.

Ito nalang ang hinihintay ng Comelec para maiproklama ang mga nanalong partylist sa katatapos na halalan.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: