Bilateral meeting nina Pangulong Duterte at Singaporean President Halimah Yacob, kasado na- Malakanyang

Nakatakdang makipagkita ngayong hapon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang ang Pangulo ng Singapore na si  Halimah Yacob.

Kahapon dumating bansa si Yacob para sa isang 5-day state visit.

Kaninang umaga pinangunahan ng Singaporean President ang isang Wreath – Laying Ceremony na ginanap sa Rizal Park sa Luneta.

Batay sa inilabas na schedule ng Malakanyang magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider ngayong hapon kung saan inaasahan ang ilang mga kasunduan ang malalagdaan.

Ngayong taon ginugunita ang ika-50 taon ng diplomatic relations ng Singapore at Pilipinas na opisyal na nag-umpisa noong 1969.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *