BIR Revenue Officer na naaresto sa entrapment operation dahil sa pangingikil, kinasuhan na ng NBI sa DOJ

Iniharap sa media ng NBI ang revenue officer ng BIR Revenue District 25-A ng Plaridel, Bulacan at dalawa pang kasamahan na  natimbog sa isang entrapment operation ng NBI Counter-Terrorism Division at NBI Anti-Graft Division.

Si Reynaldo Lojuco ay inaresto sa isang fastfood chain malapit sa kanilang opisina matapos nitong tanggapin ang 100,000 pesos entrapment money.

Arestado rin ng NBI ang dalawang tauhan ni Lojuco na sina Sheila Marie Santiago at Kim Bernadeth Cariño. 

Ang tatlo ay isinailalim sa inquest proceedings sa DOJ kung saan kinasuhan ang mga ito ng mga paglabag sa Anti-graft and corrupt practices act, direct bribery at robbery extortion.

Sinabi ng NBI na 30-taon na sa serbisyo si Lojuco hanggang sa maging Revenue officer II.

Hiningan ni Lojuco ng 300,000 pesos ang isang negosyante na nauna nang kinasuhan nito ng paglabag sa ilang probisyon ng National Internal Revenue Code.

Nadismiss provisionally ang kaso dahil sa hindi pagsipot ni Lojuco sa mga hearing.

Pero, nagbanta  si Lojuco sa complainant na bubuhayin ang kaso kung hindi magbibigay sa kanya ng kabuuang 300,000 pesos kaya nagsumbong na ito sa NBI para madakip ang BIR officer.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *