Bise Alkalde ng Davao City na si Paolo Duterte, nagbitiw sa puwesto

Nagresign na sa puwesto si Davao city Vice Mayor Paolo Duterte.

Binasa ng bise alkalde ang kanyang resignation letter sa kalagitnaan ng ginaganap na special session ng city council kaugnay sa gagawing deklarasyon ng state of calamity sa mga lugar sa lungsod na naapektuhan ng bagyong Vinta.

Ayon kay Vice Mayor Duterte, may kinalaman sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa pagpasok sa bansa ng iligal na droga na dumaan sa Bureau of Customs ang naging desisyon niya na bumaba sa pwesto.

Nais ng bise alkalde na linisin ang kaniyang pangalan sa naturang usapin.

Sinabi rin ni Duterte ang kontrobersiyal na ang away nila ng kanyang anak na si Isabelle ang umanoy kumaladkad sa kanilang pangalan sa nakasisirang estado.

Maaga pa lamang ay nagpatawag ng special session si Duterte at nag-imbita rin ng mga miyembro ng media.

Samanatala, umaasa naman ang Malacañang na magkakasundo sina Vice Mayor Duterte at ang anak nitong si Isabelle.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang problema ng bise alkaldle at anak nitong isabelle ay karaniwang nangyayari din sa ibang pamilya.

Ayon kay Secretary Roque, aminado naman si Vice Mayor Polong na naging magulo ang kaniyang unang relsyon at dahil sa away nilang mag-ama ay nagbitiw ito sa puwesto dahil na rin sa delicadeza.

Ulat nina Noreen Ygonia/Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *